Bunso ng Pamilya
I-download:
1. Baby, pagdating mo,
’Bibigay ko’ng gusto mo.
Baby, gagawin ko
Lahat-lahat para sa ’yo.
Ituturo ko sa ’yo
Lahat ng natututuhan ko.
Hindi kita iiwanan
Kailanman.
(KORO)
Galing ka kay Jehova.
Baby, kami ay masaya.
Kaya kami’y excited nang
Makasama—
Bunso ng pamilya.
2. Baby, ’pag kakain,
Palagi kang manalangin.
Baby, kampi tayo
’Pag tayo ay naglalaro.
Kapag ikaw ay nagtatampo,
Pasasayahin ng ate mo.
Hindi kita iiwanan
Kailanman.
(KORO)
Galing ka kay Jehova.
Baby, kami ay masaya.
Kaya lahat kami’y
Sobrang excited nang makasama—
Bunso ng pamilya.