David—Halimbawa Para sa mga Bata
I-download:
1. No’ng si David ay bata pa,
Mahal na niya si Jehova.
Dahil diyan, siya’y pinili
Na maging isang hari.
Natalo niya pati oso at leon—
Lakas galing sa Diyos.
(KORO)
Umaasa si David sa Diyos
Sa bawat araw at pagkakataon.
Tulad niya, sa Diyos ay magpapagabay.
Kay Jehova palagi paaakay.
2. Nang ang kalaban ay dumating,
Siniraan si Jehova.
Pero ang Diyos, may kaibigan
Na nagtanggol sa ngalan niya.
Kalaban ay natalo ni David;
Sandata’y tiwala sa Diyos.
(KORO)
Umaasa si David sa Diyos
Sa bawat araw at pagkakataon.
Tulad niya, sa Diyos ay magpapagabay.
Kay Jehova palagi paaakay.
Tulad niya, sa Diyos ay magpapagabay.
Kay Jehova palagi paaakay.