Huwag Mo ’Kong Iwan, Ama
I-download:
1. ’Pag lungkot na lungkot
O naiinis ako,
May kaibigan ako
Na malalapitan ko.
(KORO)
O tulungan mo ako.
Ikaw lang, Jehova, ang tatakbuhan.
Hawak ang ’yong kamay, ’di ako bibitaw.
Huwag mo ’kong iwan, Ama.
2. ’Pag natatakot na
At kailangan ka, Jehova,
’Pag tumawag ako,
Tinig ko ay aabot sa ’yo.
(KORO)
O tulungan mo ako.
Ikaw lang, Jehova, ang tatakbuhan.
Hawak ang ’yong kamay, ’di ako bibitaw.
Huwag mo ’kong iwan, Ama.