Kasama ang mga Kaibigan ni Jehova
I-download:
1. Kapag nagbabasa ako,
Sa isip ko, nando’n ako.
Ang mga kuwentong nasa Bibliya
Ay gustong-gusto ko.
Habang pinag-aaralan
Mga karanasan nila,
Natutuwa ako’t nalaman ko
Kagaya ko sila.
(KORO)
Kasama’ng mga kaibigan
Ng Diyos na Jehova.
Buhay nila’y nabasa ko.
Kilala ko sila.
At ’pag binuhay na sila,
Tiyak nandoon ako.
Sasabihin sa kanila,
“Kaibigan n’yo ako.”
2. Sila ay nahirapan din
Lumakad sa tamang landas.
Sa tulong ng panalangin,
Sila’y tapat hanggang wakas.
(KORO)
Kasama’ng mga kaibigan
Ng Diyos na Jehova.
Buhay nila’y nabasa ko.
Kilala ko sila.
At ’pag binuhay na sila,
Tiyak nandoon ako.
Sasabihin sa kanila,
“Kaibigan n’yo ako.”