Ruth—Tunay na Kaibigan
I-download:
1. Nang mabiyuda si Noemi
At nangungulila,
Inalagaan siya ni Ruth
At dinamayan siya.
Si Ruth ay kaibigang
Tapat at maaasahan.
Nangako pa si Ruth:
‘’Di kita iiwan.’
‘’Di kita iiwan.’
2. At naglingkod silang dal’wa
Na magkasama.
Pinagpala ni Jehova
Ang buhay nila.
Tunay na pagkakaibigan
Na dapat nating tularan.
O aking kaibigan,
’Di kita iiwan.
3. ’Pag may problema,
Nandito ako
Na tutulong sa ’yo.
Ako ay laging asahan,
Magiging sandalan—
Kaibigang tunay.
’Di kita iiwan.
’Di kita iiwan.