Kagalakan Magpakailanman
I-download:
1. Sa langit ay nagniningning,
Maraming bituin.
At ang lahat ng ’yong likha,
Pinupuri ka.
O kay ganda ng ’yong gawa,
Pag-ibig mo’y nadarama.
Salamat, O Diyos!
(KORO)
Kay saya ng buhay namin.
Binigyan mo ng layunin
At ng pag-asang tunay.
Ang pag-ibig mo sa amin
Kailanma’y ’di lilimutin.
Ikaw ang kagalakan
Magpakailanpaman.
2. Kay buti mo aming Ama,
Diyos na Jehova.
Ang ’yong mga paglalaan,
Kahanga-hanga.
Dahil ikaw ang nagbigay
Ng buhay na aming taglay,
Pinupuri ka.
(KORO)
Kay saya ng buhay namin.
Binigyan mo ng layunin
At ng pag-asang tunay.
Ang pag-ibig mo sa amin
Kailanma’y ’di lilimutin.
Ikaw ang kagalakan
Magpakailanpaman.
(BRIDGE)
Nag-uumapaw ang
Saya sa puso namin
Dahil kami ay tinubos.
Salamat, Diyos na Jehova!
(KORO)
Kay saya ng buhay namin.
Binigyan mo ng layunin
At ng pag-asang tunay.
Ang pag-ibig mo sa amin
Kailanma’y ’di lilimutin.
Ikaw ang kagalakan
Magpakailanpaman.
(KORO)
Kay saya ng buhay namin.
Binigyan mo ng layunin
At ng pag-asang tunay.
Ang pag-ibig mo sa amin
Kailanma’y ’di lilimutin.
Ikaw ang kagalakan
Magpakailanpaman.
(Tingnan din ang Awit 37:4; 1 Cor. 15:28.)