Lahat Makakaya Kung Mananampalataya
I-download:
1. Mga katanungan sa aking puso,
Sabik maturuan at matuto,
Maturuan at matuto.
Katanungan ko lahat nasagot.
Ang aking alinlangan, naglaho na.
Alinlangan ay wala na.
(KORO)
O kay layo ng lakbayin!
Manampalataya ka.
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya.
Lahat kaya.
2. Mga natutuhan, gustong ihayag.
Ako ay handa na, narito na.
O handa na,
Ito’y ihayag.
Pananampalataya, apoy sa puso ko.
Pagniningasin lagi, ’di susuko,
Pagningasin sa puso ko.
(KORO)
O kay layo ng lakbayin!
Hindi ko lilimutin:
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya.
Lahat kaya.
(BRIDGE)
Daranasi’y hirap at pagdurusa.
Ang dalangin ay tulong; kumapit kay Jehova.
Sabi niya, “Kung may tiwala ka,
Aking lakas madarama.
Kapag mayro’ng problema,
Ako’y ’yong kasama.”
(KORO)
O kay layo ng lakbayin!
Hindi ko lilimutin:
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya.
(KORO)
Ako ay tiyak, walang duda.
Manampalataya.
Kung may humadlang, sumalansang,
Manampalataya.
Lahat kaya.