Mahal Kita
I-download:
1. Puso ko’y
Nagmamahal sa ’yo,
At ito’y
Tapat at tunay.
Sa buhay kong ito,
Ika’y nag-iisa;
Sagot ng Diyos
Sa panalangin ko.
Ang ’yong pagmamahal
Ang hinahanap ko,
At ang igalang mo
Ang siyang ligaya ko.
(KORO)
Pangako’y tutuparin;
Ikaw ang mamahalin.
Sa habang buhay ko, sasabihin ko,
Mahal kita.
2. Ang pag-ibig mo
Ay kayamanan ko.
Sa piling mo,
Panatag ang puso.
Ang makasama kang
Naglilingkod sa Diyos—
Ito ang nais ko,
Dahil mahal kita.
(KORO)
Pangako’y tutuparin;
Ikaw ang mamahalin.
Sa habang buhay ko, sasabihin ko,
Mahal kita.
Pangako’y tutuparin;
Ikaw ang mamahalin.
Sa habang buhay ko, sasabihin ko,
Mahal kita.
Mahal kita,
Mahal.