AWIT 13
Si Kristo ang Ating Huwaran
-
1. Ang pag-ibig ng Diyos,
Dakila at lubos,
Nang ang Panganay niya’y inihandog niya.
’Sinilang sa mundo—
Kristo’y naging tao—
Pinarangalan ang kaniyang Ama.
-
2. Ang Salita ni Jah,
Naging pagkain niya.
Sa kaniya’y nagdulot ng karunungan.
Ang kaniyang huwaran,
Sa ati’y iniwan.
Maglingkod sa Diyos ay kagalakan.
-
3. Katulad ni Jesus,
Papurihan ang Diyos,
Ang mga yapak niya ay sundan natin.
Ang kaniyang huwaran
Ay ating tularan,
Nang lingap ng Diyos mapasaatin.
(Tingnan din ang Juan 8:29; Efe. 5:2; Fil. 2:5-7.)