PATULOY NA MAGBANTAY!
Mga Dahilan Para Umasa sa Taóng 2023—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Sa pagpasok ng taóng 2023, umaasa tayo na magiging maganda ang kalagayan natin at ng pamilya natin. Bakit?
May pag-asang ibinibigay ang Bibliya
Sinasabi ng Bibliya ang magandang balita na pansamantala lang ang mga problema natin ngayon, at na malapit na itong malutas. Ang totoo, ang Bibliya ay “isinulat para matuto tayo, at may pag-asa tayo dahil ang Kasulatan ay nagbibigay sa atin ng lakas.”—Roma 15:4.
Para malaman kung ano ang ipinapangako ng Bibliya, basahin ang “Makakaasa Ka sa Isang Magandang Kinabukasan.”
Isang pag-asa na makakatulong sa iyo
Ang pag-asang sinasabi ng Bibliya ay parang “angkla ng buhay natin.” (Hebreo 6:19) Nagiging matatag tayo dahil dito. Nakakayanan natin ang mga problema, at nagiging positibo tayo at tunay na masaya. Halimbawa:
Tingnan kung paano nakatulong sa isang lalaking nalulong sa droga ang pag-asa na mula sa Bibliya. Panoorin ang video na Sawang-sawa Na Ako sa Buhay Ko.
Tingnan kung paano tayo matutulungan ng Bibliya kapag namatayan tayo ng mahal sa buhay. Panoorin ang video na Mensahe Para sa mga Namatayan.
Patibayin ang pag-asa mo
Umaasa ang maraming tao na may magandang mangyayari sa kanila, pero hindi sila sigurado kung magkakatotoo iyon. Hindi ganiyan ang mga pangako ng Bibliya. Bakit? Kasi galing sa Diyos na Jehova a, “na hindi makapagsisinungaling,” ang mga pangakong ito. (Tito 1:2) Si Jehova lang ang makakatupad ng lahat ng ipinangako niya at magagawa niya ang “lahat ng gusto niyang gawin.”—Awit 135:5, 6.
Gusto namin na matulungan ka rin ng mga pangako sa Bibliya. Mas magtitiwala ka rito kung ‘maingat mong susuriin ang Kasulatan.’ (Gawa 17:11) Subukan ang aming libreng pag-aaral sa Bibliya. Simulan ang 2023 na punong-puno ng pag-asa!
a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.—Awit 83:18.