Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

panitan/stock.adobe.com

KAMPANYA SA MEMORYAL

Aalisin ni Jesus ang Kahirapan

Aalisin ni Jesus ang Kahirapan

 Noong nasa lupa si Jesus, ipinakita niyang mahal na mahal niya ang mga tao, lalo na ang mga mahihirap at nagdurusa. (Mateo 9:36) Ibinigay pa nga niya ang buhay niya para sa lahat. (Mateo 20:28; Juan 15:13) Di-magtatagal, ipapakita niya ulit sa mga tao na mahal niya sila. Kikilos siya bilang Hari ng Kaharian ng Diyos para alisin ang kahirapan sa buong lupa.

 Ganito ang sinabi ng Bibliya tungkol sa gagawin ni Jesus:

  •   “Ipagtanggol niya nawa ang mga hamak sa bayan, iligtas niya nawa ang mga anak ng dukha.”​—Awit 72:4.

 Paano natin maipapakita ang pasasalamat natin sa mga ginawa at gagawin pa ni Jesus para sa atin? Sa Lucas 22:19, sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya na alalahanin ang kamatayan niya. Kaya naman bawat taon, nagtitipon ang mga Saksi ni Jehova sa anibersaryo ng kamatayan niya. Sana makasama ka namin sa Memoryal ng kamatayan ni Jesus sa araw ng Linggo, Marso 24, 2024.

Maghanap ng Memoryal