Digmaan—Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos Dito?
Dahil sa mga digmaan, napakaraming nasasaktan at nahihirapan. Tingnan ang mga report na ito:
“Makikita sa mga bagong rekord na mas marami ang namatay nitong nakaraang taon dahil sa digmaan kumpara sa nakalipas na 28 taon, at malaking dahilan nito ang mga digmaan sa Ethiopia at Ukraine.”—Peace Research Institute Oslo, Hunyo 7, 2023.
“Isa lang ang digmaan sa Ukraine sa mga kaguluhang lumala noong 2022. Sa buong mundo, tumaas nang 27% noong nakaraang taon ang karahasang may kaugnayan sa politika, at mga 1.7 bilyong tao ang naapektuhan nito.”—The Armed Conflict Location & Event Data Project (ACLED), Pebrero 8, 2023.
Pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Sinasabi kasi ng Bibliya na “ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian na hindi mawawasak kailanman.” (Daniel 2:44) Sa ilalim ng Kaharian, o gobyernong iyon, ‘patitigilin ng Diyos ang mga digmaan sa buong lupa.’—Awit 46:9.