PATULOY NA MAGBANTAY!
Pagsamba sa mga Imahen—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Ayon sa Catholic News Service, sa isang seremonya sa St. Peter’s Basilica na ginanap noong Marso 25, 2022, tumayo si Pope Francis sa harap ng malaking imahe ni Maria, “nakapikit [siya] at nakayuko habang tahimik na nagdadasal.” “Nakiusap [siya] kay Maria” para sa kapayapaan. Idinagdag pa ng isang report ng Vatican News na “bumigkas ang Papa ng dasal ng Pagtatalaga sa Immaculate Heart of Mary alang-alang sa mga tao, lalo na para sa Russia at Ukraine.”
Ano sa tingin mo? Tama bang magdasal o manalangin sa mga imahen o gamitin ito sa pagsamba? Tingnan ang sumusunod na mga teksto sa Bibliya:
“Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na katulad ng anumang nasa langit o nasa lupa o nasa tubig. Huwag kang yuyukod sa mga iyon o matutuksong maglingkod sa mga iyon, dahil akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon.”—Exodo 20:4, 5. a
“Ang mga idolo nila ay pilak at ginto, gawa ng mga kamay ng tao. May bibig sila, pero hindi sila makapagsalita; may mata, pero hindi sila makakita; may tainga sila, pero hindi sila makarinig; may ilong, pero hindi sila makaamoy; may kamay sila, pero wala silang pakiramdam; may paa, pero hindi sila makalakad; hindi makagawa ng tunog ang lalamunan nila. Ang mga gumagawa sa kanila ay magiging gaya nila, pati na ang lahat ng nagtitiwala sa kanila.”—Awit 115:4-8.
“Ako si Jehova. Iyan ang pangalan ko; hindi ko ibibigay kahit kanino ang kaluwalhatian ko, at hindi ko ibibigay sa mga inukit na imahen ang papuri para sa akin.”—Isaias 42:8.
“Tumakas kayo mula sa idolatriya.”—1 Corinto 10:14.
“Mag-ingat kayo sa mga idolo.”—1 Juan 5:21.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa sinasabi ng Bibliya sa paggamit ng imahen sa pagsamba, basahin ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya—Mga Imahen” o panoorin ang video na Gusto Ba ng Diyos na Gumamit Tayo ng Imahen sa Pagsamba?
Baka gusto mo ring malaman ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga paksang ito:
Photo credit: Vincenzo Pinto/AFP via Getty Images
a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos. (Awit 83:18) Tingnan ang artikulong “Sino si Jehova?”