Kapayapaan sa Lupa—Paano?
Ang sagot ng Bibliya
Magkakaroon ng kapayapaan sa lupa, hindi sa pamamagitan ng gobyerno ng tao, kundi sa pamamagitan ng Kaharian ng Diyos na pinamamahalaan ni Kristo Jesus sa langit. Tingnan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa magandang pag-asang ito.
Patitigilin ng Diyos “ang mga digmaan hanggang sa dulo ng lupa,” bilang pagtupad sa pangako niyang magdala ng “kapayapaan sa lupa sa mga kinalulugdan niya!”—Awit 46:9; Lucas 2:14, Good News Translation.
Ang Kaharian ng Diyos sa langit ay mamamahala sa buong lupa. (Daniel 7:14) Bilang isang pandaigdig na gobyerno, aalisin nito ang nasyonalismo, na siyang ugat ng maraming digmaan.
Titiyakin ni Jesus, ang Tagapamahala ng Kaharian ng Diyos at tinatawag na “Prinsipe ng Kapayapaan,” na ang “kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas.”—Isaias 9:6, 7.
Ang mga taong palaban ay hindi pahihintulutang mabuhay sa ilalim ng Kaharian, yamang “ang sinumang umiibig sa karahasan ay kinapopootan nga ng [kaluluwa ng Diyos].”—Awit 11:5; Kawikaan 2:22.
Tinuturuan ng Diyos ang kaniyang mga sakop kung paano mamuhay nang payapa. Dahil dito, sinasabi ng Bibliya na “pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos. Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.”—Isaias 2:3, 4.
Ngayon pa lang, milyon-milyong Saksi ni Jehova sa buong daigdig ang natututo na mula sa Diyos kung paano maging mapagpayapa. (Mateo 5:9) Bagaman iba’t iba ang lahi namin at nagmula kami sa mahigit 230 lupain, hindi kami nakikipagdigma sa aming kapuwa.
Ngayon pa lang, natututo na ang mga Saksi ni Jehova kung paano maging mapagpayapa