Ang Diyablo ba ang Sanhi ng Lahat ng Pagdurusa?
Ang sagot ng Bibliya
Sinasabi ng Bibliya na si Satanas na Diyablo ay totoong persona. Tulad ng isang makapangyarihang lider ng sindikato, tinitiyak niyang maisagawa ang gusto niya sa pamamagitan ng mga ‘kasinungalingan’ at “panlilinlang.” Sa katunayan, siya ay “laging nag-aanyong isang anghel ng liwanag,” ang sabi ng Bibliya. (2 Tesalonica 2:9, 10; 2 Corinto 11:14) Masasabi nating talagang may Diyablo dahil sa mga pinsalang nagawa niya.
Pero hindi natin maisisisi sa Diyablo ang lahat ng pagdurusa. Bakit? Kasi binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahan na makilala ang tama at mali at kumilos ayon dito. (Josue 24:15) Kapag mali ang pasiya natin, inaani natin ang masamang resulta nito.—Galacia 6:7, 8.