TANONG NG MGA KABATAAN
Paano Kung Ayaw Ko Nang Pumasok sa School?
Mga istriktong teacher. Nampe-pressure na mga kasama. Nakaka-stress na mga exam, at sobrang daming assignment. Kaya kung ayaw mo nang pumasok sa school, normal lang na maramdaman mo iyan. a Sinabi ng isang tin-edyer na si Rachel: b
“Puwede akong pumunta kahit saan huwag lang sa school. Mas gusto kong mag-beach o makasama ang mga kaibigan ko o tumulong na lang sa mga magulang ko na magluto o maglinis!”
Pareho ba kayo ng nararamdaman ni Rachel? Kung oo, baka maisip mo na para kang nakabilanggo habang nag-aaral at kailangan mong magtiis hanggang sa makalaya ka sa graduation ninyo. May magagawa ka ba para mabago ang nararamdaman mong iyan?
Alam mo ba? Kapag tama ang tingin mo sa school, mas makokontrol mo ang sitwasyon at hindi mo maiisip na kailangan mong magtiis habang nag-aaral. Makakatulong pa nga sa iyo ito para magkaroon ka ng mga skill na kailangan mo kapag adulto ka na.
Para gumanda ang tingin mo sa pag-aaral sa school, subukang magpokus sa sumusunod:
Mga matututuhan mo. Habang mas marami kang natututuhan, mas makakaya mong solusyunan ang magiging mga problema mo sa trabaho at sa iba pang sitwasyon sa buhay. Maiiwasan mo ring laging umasa sa iba. Tanungin ang sarili, ‘Kahit may mga ayaw ako tungkol sa school, ano ang naitutulong sa akin ng mga natututuhan ko?’
Prinsipyo sa Bibliya: “Ingatan mo ang karunungan at ang kakayahang mag-isip.”—Kawikaan 3:21.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang artikulong “Paano Kung Laging Mababa ang Grades Ko sa School?”
Mga makakasanayan mong gawin. Makakatulong ang mga rutin mo sa school para matuto kang magbadyet ng oras, maging disiplinado, at maging masipag sa trabaho. Kailangan mo ang mga katangiang ito kapag adulto ka na. Tanungin ang sarili, ‘Paano makakatulong ang mga rutin ko sa school para maging disiplinado ako at masipag? Paano ko pa mai-improve ang mga ito?’
Prinsipyo sa Bibliya: “May pakinabang sa bawat pagsisikap.”—Kawikaan 14:23.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang artikulong “Paano Ko Mababadyet ang Oras Ko?”
Matututo kang makisama. Kapag nakikisalamuha ka sa mga kaklase mo, matututuhan mong magpakita ng malasakit at respeto. “Mahalaga na matuto kang makipag-usap sa iba kasi parang pag-aaral iyan ng history at science,” ang sabi ng kabataang si Joshua. “Magagamit mo ang skill na iyan sa buong buhay mo.” Tanungin ang sarili, ‘Ano ang natutuhan ko sa school pagdating sa pakikisama sa iba—kahit sa mga hindi ko pareho ng kinalakhan o mga paniniwala?’
Prinsipyo sa Bibliya: “Makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao.”—Hebreo 12:14.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang artikulong “Paano Ako Mas Gagaling Makipag-usap?”
Magiging kinabukasan mo. Makakatulong ang school para makita mo ang mga kakayahan mo at makapag-set ka ng mga goal. Sinabi ng kabataang babae na si Brooke: “Gaya ko, baka ma-train ka sa isang skill. ’Tapos, pagka-graduate mo, puwede ka nang makapagtrabaho.” Tanungin ang sarili, ‘Pagka-graduate ko, ano ang magiging trabaho ko para masuportahan ang sarili ko? Kaya ano ang mga kailangan kong matutuhan para sa trabahong iyon?’
Prinsipyo sa Bibliya: “Alamin kung saan ka pupunta.”—Kawikaan 4:26, Contemporary English Version.